Inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang Notice to Airmen (NOTAM) kahapon ng umaga, na naglilimita sa taas ng lipad ng mga eroplano malapit sa Bulkang Kanlaon.
Ayon sa NOTAM ng CAAP, limitado sa 17,000 feet malapit sa Mt. Kanlaon ang taas ng lipad ng mga eroplano. Magiging epektibo ang restriksiyon mula June 8, 8:31 a.m., hanggang Hunyo 9, ngayong araw, 9:00 a.m.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Mt. Kanlaon Volcano na nagpapahiwatig ng tumaas na aktibidad. Binalaan ng CAAP ang mga piloto na umiwas sa lugar dahil may panganib ng mga biglaang steam-driven o phreatic eruption na maaaring makapinsala sa mga sasakyang panghimpapawid. | ulat ni EJ Lazaro