Tinanggap ng Pilipinas ang mga mahahalagang kasunduan mula ginanap na Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) Ministerial Meeting kung saan present si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Fred Pascual bilang kinatawan ng bansa.
Dito binigyang-diin ni Sec. Pascual ang dedikasyon ng bansa sa regional cooperation at economic integration, para sa pagpapalakas sa pagkilos sa clean energy at mga hakbang laban sa katiwalian.
Kabilang sa mga pangunahing kasunduan ay ang Overarching Agreement on the IPEF, ang Clean Economy Agreement, at ang Fair Economy Agreement.
Dito rin kinilala ang kahalagahan ng naunang kasunduan ukol sa Supply Chain para sa supply chain transparency at pagbibigay solusyon sa mga krisis kaugnay nito. Gayundin sa pagpapabuti ng mga manggagawa at pagsulong ng kanilang mga karapatan.
Ayon din sa DTI Cheif, ang mga kasunduang ito ay nagpapakita ng malaking progreso tungo sa inclusive growth at sustainable Indo-Pacific region partikular sa pagkalagda ng Clean Economy Agreement at Fair Economy Agreement.
Magpapatuloy namn umano ang Pilipinas, ayon kay Pascual, sa aktibong pakikilahok sa mga IPEF partners para sa katuparan ng mga adhikain nito at inaasahan rin ang muling pakikibahagi ng bansa sa darating na mga buwan. | ulat ni EJ Lazaro