Hinatiran ng karagdagang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 6 ang mga pamilya na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa DSWD, kabuuang ₱1.856.652 milyon halaga ng mga food at non-food items ang ipinadala sa pamilya na nananatili pa sa evacuation centers.
Hanggang kahapon ng hapon, umabot sa 1,650 pamilya o katumbas ng 5,514 indibidwal ang naabutan ng tulong ng DSWD.
Sila ay nagmula sa La Castellana sa Negros Occidental na may 1,239 na apektadong pamilya o 4,293 indibidwal.
Mayroon pang 50 pamilyang lumikas o 129 indibidwal na nagpasyang humingi ng matutuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. | ulat ni Rey Ferrer