Ibinida ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na magsisilbing landmark ng Bicol Region ang itatayong 20 palapag na Legacy Building ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC).
Sa ginanap na capsule laying at groundbreaking ceremony ng BRHMC binigyang diin ng mambabatas ang mahalagang papel ng ospital bilang isang comprehensive care center na mag aalok ng mga espesyalisasyon sa puso, baga at maging cancer.
Ito ay upang hindi na bumiyahe pa pa-Maynila ng mga Bicolano para mag pagamot.
Malugod ding ibinalita ng House Appropriations Chair na matatanggap na ng medical personnel sa Bicol na nagtrabaho noong pandemiya ang kanilang mga nabinbing allowance.
Kasabay nito ay nagpasalamat din si Co sa suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa iba pang programa at proyekto.
Kabilang dito ang pagsasa ayos sa suplay ng kuryente sa rehiyon, konstruksyon ng evacuation centers at ang pagpapatayo ng Haven Legacy para sa mga inabandona at inabusong kababaihan, nakatatanda at bata.
“Sa Albay Electric Cooperative po, binigyan po tayo ni Presidente and our Speaker Martin Romualdez ng worth 300 million para ma-improve ang kuryente, para wala nang brown out sa 2nd district and Legazpi.” sabi ni Co. | ulat ni Kathleen Forbes