Puganteng Chinese, arestado ng mga awtoridad sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na sinasabing wanted dahil sa illegal gambling.

Noong May 29, inaresto si Wang Yilin, 37 taong gulang, sa NAIA Terminal 3 pagdating mula sa flight nito galing Bangkok.

Kinumpirma ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pangalan ni Wang ang nasa red notice na inilabas ng Interpol mula sa isang warrant galing sa Bengbu municipal public security bureau sa Anhui province, China, Septyembre nang nakaraang taon.

Akusado si Wang sa pagpapatakbo ng isang online gambling syndicate na kumikita ng higit sa $8.3 milyon.

Dahil dito kasama na ang pangalan ni Wang sa blacklist ng immigration at permanente nang ipinagbabawal ang kanyang muling pagpasok dito sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us