Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang parcel na naglalaman ng mga iligal na droga na tinatayang aabot sa halagang P13.5 milyon.
Natuklasan ang nasabing package sa Central Mail Exchange Center sa Lungsod Pasay na naglalaman ng higit sa 5,000 tableta ng ecstasy at halos 1,000 gramo ng ketamine.
Idineklarang mga de-latang pagkain at prutas galing Denmark ang nasabat na kargamento at nakapangalan sa isang claimant sa Taguig City.
Nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal ang nasabing tatanggap ng kargamento sang-ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.
Pinuri ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang ginawang operasyon ng mga awtoridad sabay pagbibigay-diin sa pangako ng BOC sa pagprotekta sa mga border ng bansa.
Ipinahayag naman ni District Collector Yasmin Mapa ang patuloy na pangangailangan para sa masusing pagbabantantay laban sa smuggling ng droga.| ulat ni EJ Lazaro