OCD, nagpadala ng water filtration truck at 7-man Rapid Deployment Team sa Negros Occidental bilang suporta sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang darating ngayong araw ang ipinadalang Water Filtration Truck kasama ang 7-man Rapid Deployment Team ng Office of Civil Defense (OCD) sa Negros Occidental.

Ito’y bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaan sa nagpapatuloy na disaster response operations partikular na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, noong Sabado pa tumulak ang naturang team pa-Negros Occidental na siyang maghahatid ng malinis na tubig matapos makontamina ang suplay doon dahil sa ashfall.

Partikular aniyang sasadyain ng ipinadalang team ay ang mga residenteng apektado sa La Carlota at La Castellana kung saan, ang water filtration truck ay kayang makapagbigay ng aabot sa 50,000 litro ng malinis na tubig kada araw.

Batay sa pinakahuling datos ng OCD, aabot sa 1,177 pamilya sa Western Visayas at 83 pamilya sa Central Visayas ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us