Globe telecom, pinabulaanan ang kumakalat na balita na mawawala ang pera sa gcash kapag hindi nakapagrehisto ng SIM card

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ng Globe Telecom ang mga kumakalat na ulat na umano’y mawawala ang pera sa GCash kapag inabot ng deadline ng SIM card registration, at di pa rin nakakapag-parehistro.

Ayon sa naturang telco company na hindi totoo at fake news ang mga naturang ulat.

Malaki anila ang posibilidad na galing sa mga taong nais lamang guluhin ang adhikain ng gobyerno at ang hangarin ng GCash na makapagbigay ng maayos na digital financial services sa mga Pilipino.

Kaya upang makaiwas sa fake news, payo ng GCash, siguruhin na magtungo sa kanilang mga official social media accounts at website.

Kung sakali namang hindi makapag-rehistro, may mga paraan anila para muling ma-access ang mga e-wallet funds.

Ngayong extended na ang SIM card registration, dapat anilang siguraduhing makapag-paparehistro na ang lahat ng mobile phone users upang maiwasan ang anumang abala sa pag-access ng kanilang mga account. | ulat ni AJ Ignacio

? Gcash/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us