Mambabatas, pinatitiyak sa Philippine Navy na protektahan ang mga mangingisda sa WPS pagsapit ng June 15

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Philippine Navy na tutuparin nito ang pangako na poprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) oras na simulang ipatupad ng China ang polisiya nito na manghuli at idetine ang mga trespassers sa inaangkin nilang teritoryo sa June 15.

Giit ni Villafuerte, dapat ay palakasin ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang presensya nito para alalayan at bantayan ang ating mga mangingisda.

“We are taking the military as its word that our fishers have nothing to worry about because the AFP has their back and will provide protection to them against possible harassment from the Chinese in the WPS,” sabi ni Villafuerte.

Kasabay nito nagpahayag din ng suporta ang kongresista sa plano ng Department of Justice at Office of the Solicitor General na maghain ng environmental damage case laban sa China.

Kaugnay ito sa ginagawang pagtatayo ng mga pekeng isla na nakasira sa ating coral reef sa Pag-asa Island at Sabina Shoal.

Aniya ang paghahain ng panibagong kaso ay isang paraan upang maipaalam sa global community ang ginagawang pambu-bully ng China sa loob mismo ng katubigan na sakop ng ating teritoryo.

“The opening of another legal front to protest China’s incursions into Philippine waters is certainly most welcome as part of the Marcos administration’s commitment to exhaust all means to bring to global attention—and generate broad international condemnation of—the nonstop bullying tactics of China in waters that are legally part of our maritime territory, as declared under the 1994 UNCLOS (United Nations Convention on theLaw of the Sea) and upheld by the 2016 arbitral ruling of the PCA (Permanent Court of Arbitration) in The Hague,” giit ni Villafuerte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us