Pride Festival sa QC, kasado na sa June 22

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang-handa na ang Quezon City Local Government para sa muling pagdaraos sa lungsod ng Pride Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month 2024.

Kaugnay nito, pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Pride PH para sa gaganaping Pride Festival sa darating na June 22.

Dumalo sa MOA signing sina Mayor Joy Belmonte, Gender and Development Council Secretary Janete Oviedo, at mga National Convenor ng Pride PH Coalition na sina Vince Renzo Liban, Tina-Agel Romero, at Rodemille Singh.

Inaasahang aabot sa 100,000 ang makikilahok sa naturang festival na gaganapin sa Quezon Memorial Circle.

Bukod sa Pride Festival, iba’t ibang programa ang isinusulong ng QC LGU para sa LGBTQIA+ community kabilang ang QC Protection Center, Gender-Fair Ordinance, at Right to Care Card. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us