Pagtapyas sa taripa ng imported na bigas, magreresulta ng mababang inflation at interest rate — DOF Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na bagaman mababawasan ang kita ng gobyerno sa Rice Tariff Reduction ay maibababa naman nito ang inflation bagay na magtutulak sa Policy Rate Cut ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon  kay Recto, tinatayang nasa ₱22-billion ang mawawala sa government revenue dahil sa tariff cut, pero babawi naman ang paglago kapag nagbawas tayo ng interest rate.

Maaalalang inaprubahan ng National Economic and Development  Authority (NEDA) Board ang taripa ng inaangkat na bigas ng 15% mula sa 35%.

Paliwanag ng kalihim, kung bababa ang rice inflation na kumakatawan sa malaking bahagi ng consumer price index, posibleng magbawas ng interest rate ang BSP na magreresulta ng productivity at paglakas ng economic growth.

Nauna nang sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na may posibilidad na lumuwag ang policy rate ngayong darating na Agosto.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us