Hindi apektado ang biyahe ng mga pasahero sa Pasig City sa kabila ng ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA ngayong araw.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tuloy-tuloy ang dating ng mga sasakyan na nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero.
Pila rin ang mga jeepney na karamihan ay wala o kakaunti lamang ang sakay.
Kasama sa mga inikutan ng RP1 ay ang Amang Rodriguez at Marcos Highway na may rutang Pasig-Marikina.
Mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga ay walang naitalang pagkaka-ipon-ipon ng mga pasahero, indikasyon na nananatiling normal ang pagbiyahe ng mga motorista.
Ganito rin ang sitwasyon sa bahagi naman ng Ortigas Avenue at Caruncho Avenue na may rutang Pasig-Quiapo. | ulat ni Jaymark Dagala