Illegal gambling boss, huli ng BI sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na Wanted sa kanilang bansa dahil sa illegal gambling.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 37-year-old na si Wang Yilin ay nahuli sa NAIA-3 Terminal matapos dumating sakay ng Thai Airways flight mula Bangkok.

Hindi na pinapasok pa ng bansa ang foreigner at agad inaresto ng Immigration officers matapos lumabas sa system na may positive hit ito sa Interpol.

Dagdag pa ni Tansingco na agad pina-deport si Wang base na rin sa request ng Chinese government.

Base sa imbestigasyon, si Wang ay kabilang sa isang sindikato na nagpapatakbo ng isang online gambling platform noong 2019 na isang paglabag naman sa anti-gambling laws ng China.

Bilang parusa sa pagkaka-aresto kay Wang ay nailagay na ito sa Immigration blacklist ng bansa kung saan bawal na itong makapasok ng Pilipinas kahit kailan.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us