Inilunsad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 11 ang mga bagong pasilidad nito sa General Santos Airport.
Target ng nasabing mga pasilidad ang mga nanay at anak dahil tinayuan ang nasabing airport ng Lactation Area at Children’s Play Area.
Parehong air-conditioned at bukas sa publiko ang dalawang nabanggit na pasilidad.
May mga designated personnel din ang mga ito na available para mag-assist sa mga indibidwal na gagamit ng nasabing mga pasilidad.
Ayon sa CAAP, located ang mga nabanggit na ameneties sa second floor ng Passenger Terminal building.
Ayon kay General Santos Airport Manager Joel Gavina, patunay ang nasabing mga pasilidad ng kanilang commitment na sila ay isang community-oriented hub, at patuloy na lumalago para mas lalong mapagsilbihan ng maayos ang mga pasahero. | ulat ni Lorenz Tanjoco