Inilunsad ngayon ng Social Security System ang pension booster sa kanilang mga miyembro kung saan maaaring umabot sa hanggang 7.2% ang taunang return rate.
Pinangunahan ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang paglulunsad ng MySSS Pension Booster na mula sa dating programa na Workers Investment and Savings Program o WISP at WISP Plus.
Layon nito ng programa higit pang mapatatag ang retirement funds ng mga benepisyaryo.
“The MySSS Pension Booster is not just an ordinary retirement savings plan. It’s a safe, convenient, and tax-free investment opportunity that allows you to earn income from your contributions. By participating, you can attain your savings goal, ensuring a comfortable retirement,” Macasaet.
Sa ilalim nito, otomatikong maieenroll ang SSS members na naghuhulog sa Regular SSS Program habang ang mga voluntary member, ay maaaring mag-enroll sa savings plan sa My.SSS account.
Maaaring maghulog ng minimum na P500 ang miyembro na pwede pa niyang dagdagan.
Papayagan rin ang partial withdrawal ng kita ng bawat miyembro at full withdrawal kapag umabot na sa limang taon ang savings nito.
Ang MySSS Pension Booster savings schemes ay bahagi ng mga reporma na nakapaloob sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na inisponsor ng dating senador at ngayon ay Finance Sec. Ralph Recto. | ulat ni Merry Ann Bastasa