Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na magtuloy-tuloy pa ang relief operations para sa mga residente na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon.
Kahapon, nagpulong ang DSWD Western Visayas at Local Government Unit ng La Castellana at pinag usapan kung papano pa mapalakas ang relief operations sa mga evacuation center.
Tinalakay din sa meeting ang iba pang mga isyu na may kinalaman sa camp coordination at camp management.
Sa report ng DSWD-Dromic, nakapag-abot na ang ahensya ng mahigit sa Php5.5 million halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong pamilya sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Patuloy pa ang DSWD sa monitoring sa kondisyon ng may 1,260 pamilya o kabuuang 4,391 katao na nanatili sa walong evacuation centers sa mga nasabing lalawigan. | ulat ni Rey Ferrer