Isabela Ground Mounted Solar Proj., patatatagin ang national grid ng Pilipinas, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw (June 10) ang paglagda sa connection agreement sa pagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at San Ignacio Energy Resources Development Corporation (SIER DC), para sa Isabela Ground Mounted Solar Project.

Sa oras na maisakatuparan ang proyektong ito, magsisilbi itong isa sa pinakamalaking solar power plant sa bansa na mayroong higit 700,000 solar panel na naka-install.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang proyektong ito ay hindi lamang magsusulong ng transpormasyon sa energy landscape sa Isabela bagkus patatatagin rin nito ang national grid ng Pilipinas.

“This project is not only about transforming the energy landscape in Isabela; it is about strengthening our entire national grid [and] moving us closer to a resilient and renewable energy-secure future.” -Pangulong Marcos. 

Layon ng balikatang ito na maisakatuparan ang 440 megawatt solar project, bilang suporta sa hakbang ng pamahalaan na maisulong ang renewable energy sources sa iba’t ibang bahagi ng bansa, para sa ligtas at reliable energy ng mga Pilipino.

“With an investment of 18 billion pesos, we are looking at [generating] about 440 megawatts of clean energy and that amounts to as we saw in the video, that amounts to 700 gigawatts per annum which is a very significant amount.” -Pangulong Marcos.

Ang proyektong ito ay matatagpuan sa probinsya ng Isabela partikular sa siyudad ng Ilagan at munisipalidad ng Gamu.

Ang proyekto ay nakatakdang mapasinayaan sa ika-apat na quarter ng 2024.

At habang sumasailalim sa konstruksyon, inaasahang magbibigay ito ng employment opportunities sa higit 4,000 Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us