Solon, umaasang maaaksyunan agad ng Senado ang 4 na panukalang poprotekta sa karapatan, kapakanan ng mga manggagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng paggunita sa Labor Day ngayong araw ay nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mga senador na agad ipasa ang mga panukalang tutugon sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa.

Umaasa si Villafuerte na sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa May 8 ay matalakay at mapagtibay na rin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa benepisyo ng media, showbiz, government workers at seafarers.

Una dito ang Media Workers’ Welfare Act na layong palakasin at tiyakin na naibibigay ng media companies at networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.

Kasama rin sa pina-aaksyunan ang ‘Eddie Garcia Bill’ na nagsusulong sa kapakanan ng mga nagtatrabaho o independent contractor sa entertainment industry.

Dapat na rin aniyang mapagtibay ang panukala kung saan mula 60 years old ay magiging 56 years old na ang optional retirement age ng government employees.

Pati na ang Magna Carta of Seafarers na isa sa LEDAC priority measure ng pamahalaan.

“This is an appeal on the occasion of this week’s annual celebration of Labor Day to our senators to consider the passage of at least four measures that have already been passed by the House of Representatives, in a bid to ensure better conditions in the workplace for our seafarers, public school teachers, showbiz folk and journalists,” saad ni Villafuerte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us