Pinapa-review muna ni Senate President Chiz Escudero ang konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig.
Sa naging flag raising ngayong umaga, inanunsyo sa harap ng mga empleyado ng senado na tigil muna ang konstruksyon, tigil muna ang pagbabayad sa mga contractor, at pag-aaralan muna ang pinapataayong bagong gusali.
Sa panayam sa media, binahagi ni Escudero na kinagulat niya ang laki ng halaga ng pinapapirmahan sa kanya para sa ginagawang bagong Senate buidling.
Aniya, sa ngayon kasi ay umaabot na sa P23 billion ang pondo para sa bagong gusali mula yan sa orihinal na budget proposal para dito na P8.9 billion lang.
Gayunpaman, nilinaw ni Escudero na wala naman siyang akusasyon na ibinabato sa sinuman at nais lang muna nilang mapag-aralang mabuti kung naangkop ang pondo para sa pinapatayong building. | ulat ni Nimfa Asuncion