Naniniwala si Senior Citizen partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanez na mas mapapabilis ang rebuilding assistance ng Pilipinas sa Ukraine kung agad na maitatayo ang embahada nito sa bansa.
Ayon kay Ordanez, kapag nasimulan na ang groundwork ng pagpapatayo ng embassy, mas mabilis nang ikakasa ang tulong ng Pilipinas sa Ukraine.
Aniya, kapag natapos na ang sigalot sa nasabing bansa, mangangailangan ito ng ating mga engineers, technicians, construction workers, healthcare workers, teachers, and household specialists.
Diin pa ng mambabatas, dapat ang Pilipinas ang una sa Asya na tumulong sa rebuilding ng Ukraine kapag humupa na ang sigalot.
Maaalalang biglang bumisita sa bansa si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kung saan hinikayat nito ang Pilipinas na dumalo sa Swiss-organized global peace summit. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes