Nanumpa sa tungkulin ang 65 bagong mga opisyal at kawani ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay sa pangunguna ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac sa punong tanggapan ng DMW sa Mandaluyong City.
Hinikayat ni Secretary Cacdac ang mga bagong kawani ng kagawaran na magkaroon ng malasakit, integridad, transparency, at kahusayan sa paglilingkod sa mga overseas Filipino worker at kanilang pamilya.
Binigyang diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagtutulungan upang maisakatuparan ang mandato ng departamento.
Aniya ang trabaho ng ahensya ay may malaking epekto sa buhay ng bawat OFW at kanilang pamilya.
Target namang makukumpleto ng DMW ang recruitment process ng halos 1,000 bakanteng posisyon sa ahensya pagsapit ng July 2024, upang masiguro ang maayos na operasyon ng taggapan.| ulat ni Diane Lear