Naglabas ng pahayag ang National Economic and Development Authority (NEDA) kauganay sa desisyon na bawasan ang taripa sa bigas.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang pagbabawas ng taripa ay inaasahang magpapababa ng presyo ng bigas para sa mga mamimili.
Binigyang diin din ng kalihim na ang desisyon ay ginawa matapos ang masinsinang konsultasyon at pagsusuri ng Tariff Commission sa Customs Modernization and Tariff Act.
Sa kabila ng mga agam-agam ng mga magsasaka, tiniyak ni Balisacan ang kanilang suporta sa pamamagitan ng mga pamumuhunan sa imprastraktura, pagtataguyod ng modernong teknolohiya, pagpapabuti ng access sa merkado at tulong pinansyal para sa mga local producer.
Nanawagan naman si Balisacan ng pang-unawa at patuloy na suporta ng publiko habang patuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na maabot ang food security sa Pilipinas at palakasin ang sektor ng agrikultura.| ulat ni Diane Lear