Kalayaan Job Fair, isasagawa sa Caloocan kasabay ng Independence Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling aarangkda ang Kalayaan Job Fair ng Caloocan Local Government kasabay ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ni Caloocan Mayor Along Malapitan, hinikayat nito ang mga job seeker na lumahok sa Kalayaan Job Fair na gaganapin sa ika-limang palapag ng SM Grand Central sa June 12, 2024, mula 9:00 am hanggang 5:00 pm.

Pangungunahan ito ng Caloocan Public Employment Service Office sa pakikipag-tulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), mga pribadong kumpanya, at sa SM Prime Holdings Inc.

Ilan lang sa employers na makikiisa rito ay mula sa BPO industry, trading, manufacturing, at construction sector.

Kinakailangan lamang na magrehistro gamit ang QR code sa larawan o pindutin ang link na ito: https://forms.gle/Zgwx33oVSnSSGxV59. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us