Dahil sa mga pag-ulan nitong nakalipas na araw, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydromet Division, umangat sa 178.08 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga mula sa 178.05 meters kahapon.
Sa kabila nito, mababa pa rin ito sa minimum operating level.
Bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 100.62 meters
Samantala, nagkaroon naman ng Tapyas sa lebel ng tubig ang San Roque at Caliraya dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa