Sa pagtutulungan ng Office of the Speaker, Tindog ComVal Foundation, Gawad Kalinga, at lokal na pamahalaan ng Maco, Davao de Oro ay sinimulan na ang pagtatayo ng “Balayanihan.”
Layunin ng “Balayanihan” na maitayo ang 80 bahay para sa Phase 1 ng proyekto upang magkaroon ng permanente at maayos na tahanan ang mga biktima ng landslide sa Maco Davao de Oro noong Pebrero na sa ngayon ay nakatira lamang sa mga tent.
Kinatawan ni Deputy Secretary General for the Office of the Speaker Ponyong Gabonada si Speaker Martin Romualdez sa pagpapasinaya ng pabahay kasama ang mga lokal na opisyal at si Davao de Oro 1st District Representative Maricar Zamora.
Nagpabot din ang tanggapan ng Speaker ng ₱3.5-million na donasyon para sa mga residenteng nakaligtas.
Isang libong residente rin ang nakatanggap ng cash assistance mula sa DSWD-AICS.
Pagsiguro pa ni Gabonada na madadagdagan ang tulong para sa mga residente na nangangailangan ng pabahay at agarang serbisyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes