Naghandog ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng libreng sakay sa mga nasasakupang lugar nito.
Ito ay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada ngayong araw na ikinasa ng mga grupong PISTON at MANIBELA at inaasahang tatagal hanggang sa araw ng Miyerkules, June 12, 2024.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ide-deploy ang mga sasakyan mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:
– Alabang – Zapote Road (Zapote to Honda Daang Hari and vice versa)
– Padre Diego Cera Avenue (Zapote to Jollibee Kabihasnan and vice versa)
– Marcos Alvarez Road (LozadaMarket to Soldiers 2 and vice versa)
Paliwanag ng LGU, ang mabilisang aksyon nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ay pagtalima sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government bilang tulong sa mga pasaherong posibleng ma-stranded dahil sa tigil-pasada. | ulat ni Lorenz Tanjoco