“Ten-dash line ng China”, ugat ng lahat ng tensyon sa WPS – Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro bilang ugat ng lahat ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ang “ten-dash line” ng China na umaangkin sa buong karagatan.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na ang “ten-dash line” ng China ang tunay na “provocation”, na itinatago ng China sa pamamagitan ng pagpapalutang ng mga mga kung ano-anong kwento sa nangyayari sa WPS.

Ayon sa kalihim, pilit na dinadala ng China ang isyu sa WPS sa mga madramang kaganapan sa “tactical level” para malihis ang isipan ng mga Pilipino at International Community sa ugat ng problema na ang kanilang ilegal na pag-aangkin ng buong karagatan.

Giit ng kalihim, walang “business” ang China sa WPS at sa iba pang lugar na may hurisdiksyon ang Pilipinas.

Sinabi ng kalihim, na ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang hakbang para pahupain ang tensyon sa WPS kasabay ng pagbibgay-diin, na ang anumang usapan o kasunduan ay dapat naka-base sa international Law at alinsunod sa pambansang interes. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us