Humingi ng tulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa bagong envoy ng Japan sa Pilipinas, na si Ambassador Endo Kazuya.
Hiniling ng kalihim sa Japanese ambassador na dagdagan ang pag-export ng mga produktong pang-
agrikultura sa Asian power house.
Kamakailan ay nag-courtesy call ang bagong sugo ng Japan kay Tiu Laurel upang talakayin ang kooperasyong pang-agrikultura sa pagitan ng dalawang bansa.
Partikular na tinalakay ang mga detalye ng Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry at Fisheries, at ang kamakailang pinagtibay na ASEAN-Japan Midori Cooperation Plan.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang iba’t ibang paksa, kabilang ang sustainable agriculture initiatives, trade facilitation at market access concerns.| ulat ni Rey Ferrer