Hinatulan ng Sandiganbayan na mabilanggo ang dating Chancellor ng Mindanao State University -Buug Campus, sa Buug, Zamboanga Sibugay.
Anim na taon at karagdagang isa hanggang tatlong taon pa ang hatol na pagkakulong kay dating Chancellor Taha Guro Sarip dahil sa kasong graft at malversation of funds.
Bukod dito, hindi na rin siya maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Batay sa 33 pahinang desisyon na isinulat ni Sandiganbayan 6th Division Chairperson Associate Justice Sarah Jane Fernandez, napatunayang nalustay ng dating opisyal ang halos Php 96,657.15 na pondo ng unibersidad para sa pagpapaayos ng kanyang personal na sasakyan noong 2011 at 2012.
Hindi naman pinatawan ng Anti-Graft court ng anumang civil liability matapos maibalik ni Sarip ang halagang nagamit sa pagpapaayos ng kanyang sasakyan.
Isinantabi ng hukuman ang argumento ng dating opisyal na ginagamit naman nito ang kanyang sasakyan sa opisyal niyang mga lakad.| ulat ni Rey Ferrer