House tax Chief, kinilala ang pagsisikap ng PAGCOR para makasingil ng buwis mula sa mga POGO
Kinilala ngayon ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagsisikap ng PAGCOR sa ilalim ng Marcos Jr. administration na makakolekta ng buwis mula sa mga offshore gaming licensees (OGLs) o POGOs.
Aniya, binago ng liderato ng PAGCOR ang pamamahala sa mga OGL upang masiguro na may ambag ito sa ekonomiya.
Mula aniya nang pamunuan ito nina PAGCOR Chair Al Tengco at President Amy Eisma, ay namodernsia ang polisiya at gawi ng ahensya para mas epektibong makapangolekta ng buwis.
“In other words, we’re choosier about who we license, and we also collect more from each licensee,” sabi ni Salceda.
Batay sa datos na nakuha ng mambabatas, nitong 2023 ay nakakolekta ang PAGCOR ng 5.1 billion pesos mula sa 87 licensees, kumpara ito sa 2.99 billion pesos lang noong 2022 kung saan nasa 158 ang licensees.
“As far as a supposed ‘phase-out’ is concerned, that’s the kind of phase-out I fully support: You phase out the bad and mediocre licensees. You don’t phase the whole industry out. You enforce the law,” giit ni Salceda.
Kinilala din ng Albay solon ang papel ng PAGCOR sa pagpigil ng iligal na offshore gaming operations sa Bamban, Tarlac.
Aniya hindi masyado nabibigyang pansin ngunit ang PAGCOR ang unang kumilos para pahintuin ang naturang iligal na POGO operation.
“The PAGCOR leadership has been very media-shy. But I will sing their unsung but deserved praises anyway: PAGCOR has been enforcing rules on POGOs better, and they are turning the sector into an industry that creates more jobs for Filipinos and no longer relies exclusively on Chinese demand or labor,” ani Salceda.| ulat ni Kathleen Forbes