Magkaisa kontra sa kasinungalingan ng mga manunupil, mensahe ni Defense Sec. Teodoro para sa Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa sambayanan na magkaisa laban sa “kasinungalingan at maling impormasyon na pinalalaganap ng mga naglalayong supilin at magkabaha-bahagi ang bansa.”

Sa mensahe ni Sec. Teodoro sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, pinaalalahanan ng kalihim ang mga mamamayan na manatiling “mapanuri at handa na gawin ang ating bahagi sa pagbabantay at pagtatanggol sa kalayaan at kasarinlan ng ating Inang Bayan.”

Tiniyak naman ng kalihim na sa gitna ng mga panibagong banta sa kalayaan at soberenya ng Pilipinas ay maaasahan ang DND na mananatiling “matatag sa paninindigan sa pambansang karapatan sa ating mga kapuluan at sa pagtitiyak ng ating kinabukasan.”

Kasabay nito nagbigay pugay ang kalihim sa mga beterano at sundalo para sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa bayan, na inaasahan niyang  magsisilbing inspirasyon para sa bagong henerasyon ng bayani.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us