Tumaas sa 42.1 percent ang foreign direct investment (FDI) na naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa unang quarter ng 2024.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang pagtaas ng FDI ay magandang indikasyon dahil tataas din ang global confidence ng ating bansa sa international market.
Dagdag pa ng kalihim na ito’y dahil sa patuloy na pagpasok ng pamumuhunan mula sa mga bansang nauna nang nagpakita ng interes na mamuhunan sa Pilipinas tulad ng Japan, Singapore, at Estados Unidos.
Sa huli muling iginiit ni Pascual na patuloy naman ang mga ginagawang hakbang ng Trade and Industry Department upang mas mapaangat pa ang sektor ng pamumuhunan sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio