Operasyon ng Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services sa buong bansa suspendido sa June 12 at 17

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang suspendido ang mga operasyon ng konsulado sa DFA Aseana, Consular Offices (COs) at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sites sa buong bansa ngayong araw, June 12 at 17, 2024.

Ayon sa DFA alinsunod sa Presidential Proklamasyon Blg. 368 na may petsang October 11, 2023 na nagdedeklara sa mga nasabing petsa bilang regular holidays para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at Eid’l Fitr (Feast of Sacrifice).

Magpapatuloy ang regular na operasyon at serbisyo sa June 13 at 18, 2024.

Ang mga apektadong aplikante para sa mga serbisyo ng consular na may kumpirmadong appointment sa June 17, sa DFA Aseana at Consular Offices (COs) ay tatanggapin mula June 18 hanggang July 18, 2024.

Samantala, ang mga apektadong aplikante naman ng TOPS na may kumpirmadong appointment ay ia-accommodate sa kani-kanilang Supervising Consular Office sa
June 18 hanggang July 18, 2024.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us