Magsisilbing panauhing pandangal sa selebrasyon ng ika-126 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw si Speaker Martin Romualdez sa Malolos, Bulacan.
Pangungunahan ni Romualdez, kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at iba pang mga lokal na opisyal ang flag raising ceremony, panunumpa sa watawat ng Pilipinas at pag aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo sa makasaysayang Barasoain Church.
Sa kabila naman ng deklarasyon na walang pasok, bukas ang lahat ng National Historical Commission of the Philippines Bulacan Cluster museums gaya ng Museo ng Republika ng 1899 (Barasoain Church Historical Landmark) at Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas (Casa Real) sa Malolos, Museo ni Marcelo H. Del Pilar sa Bulakan, Bulacan, at Museo ni Mariano Ponce sa Baliwag Bulacan.
Ito ay upang mapanatili ang pagkamakabayan at mapaigting pa ang pagmamahal sa ating bansa at sa ating kalayaan.
Maliban sa Barasoain Church, sabayang gugunitain ang Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite; San Juan City; Manila North Cemetery; Caloocan City at Angeles City, Pampanga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes