Sinimulan sa pagtataas ng Watawat ng Pilipinas at sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang ang selebrasyon sa ika-126 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Caloocan City.
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at Caloocan Mayor Along Malapitan ang wreath laying o pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Gat Andres Bonifacio na sinundan ng gun salute.
Binasa rin ang Proklamasyon Bilang 28, at sabayang pinatunog ang mga sirena at iwinagayway ang mga banderitas.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Sec. Abalos ang kahalagahan ng pagkakaisa para matugunan ang mga kasalukuyang hamon gaya ng laban sa kahirapan, korapsyon, at hindi pagkakapantay-pantay.
Hinikayat naman ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang publiko na gamiting inspirasyon ang kwento ng nakaraan para patuloy na manindigan sa kalayaan at palakasin ang demokrasya sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa