Itinuturing ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro bilang scam hub at hindi POGO hub ang nadiskubre na istruktura sa Porac, Pampanga.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Teodoro na hindi isang outsourcing company ang naturang istruktura dahil sa mga ebidensya na nakuha sa lugar.
Iba daw ang layunin ng POGO kaysa sa nadiskubre na istruktura.
Dahil dito itinuturing ng kalihim ng DND na isang uri ng national security concern ang mga dayuhan na nakatakas at nahuli doon.
Kaya naman iniimbestigahan na nila ang nasabing operasyon pati na rin ang mga nakuhang ebidensya. | ulat ni Mike Rogas