Umaasa si House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na makalaya na ang Pilipinas mula sa impluwensya ng POGO.
Kasabay nito ay umapela din si Barbers kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pakinggan ang panawagan ng mga mambabatas at publiko na tuluyan nang ipagbawal ang POGO sa gitna na rin ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga ito.
Punto pa ng Surigao solon, ipinagbabawal ang POGO sa China ngunit nagsisilbi namang kanlungan nito ang Pilpinas.
Kaya kung tunay aniya na mahal natin ang ating bansa, ay dapat tayong kumawala sa impluwensya ng mga POGO na sinisira ang ating kalayaan dahil sa sugal at kriminalidad na dulot nito.
“It is time to put an end to this nightmare. As we commemorate our Independence Day, I am hopeful that the President will heed the call of the legislators and their constituents who continue to fall victims to these illegal establishments whose unexplained resources are obviously being used to bribe our government employees and officials, sowing chaos and destroying our society and our nation’s morality,” sabi ni Barbers. | Kathleen Jean Forbes