Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatuloy at pagpapalalim pa ng balikatan ng Pilipinas sa mga katuwang nitong bansa, kasabay ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa Vin d’Honneur sa Malacañang, kinilala ng Pangulo ang tulong na ipinagkakaloob ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas.
Kung anuman aniya ang tagumpay na nakakamit ng bansa, malaki ang papel dito ng tulong ng ibang bansa.
Makakaasa aniya ang mga ito na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang mga adbokasiya na isinusulong rin ng ibang bansa, tulad ng kapayapaan, economic development, at pagtugon sa climate change.
Palalakasin rin aniya nito ang kooperasyon sa mga linya na hindi pa naaabot ang ganap na potensyal nito.
“We shall endeavor to enanching engagement with bilateral, regional, multilateral partners, especially in areas where cooperation has not yet reach its full potential.” — Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kumpiyansa ang Pangulo na ang ginagawa nitong pakikipag-ugnayan sa international community sa kasalukuyan, ay para sa bansa, at para sa mga Pilipino.
“I am also happy to note, that the Philippines continues to enjoy a good rating as an investment in 2020 destination. We are credited to a stable outlook, which signals growth in the momentum, in the medium term. It translates to a more accessible financing for our governemt and for our programs.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan