Sinamahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa simultaneous flag raising and wreath-laying ceremony sa Rizal Monument sa Manila bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang determinasyon ng lahat ng tauhan ng AFP na ipagtanggol ang bawat pulgada ng teritoryo ng bansa sa gitna ng kasiguruhang hindi magpapalupig ang mga Pilipino.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang pakikiisa ng AFP sa pambansang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay bahagi ng kanilang kolektibong pagpapahalaga sa sakripisyo ng mga nakalipas na henerasyon at paninindigan na itaguyod ang prinsipyo ng kalayaan at demokrasya.
Nakilahok din sa aktibidad sa Rizal Monument kaninang umaga ang mga opisyal ng Cadet Corps of the Armed Forces of the Philippines, na sumabay sa pagbibigkas ng ‘Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas’. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Ambay/PAOAFP