Naipadala na ng House of Representatives ang inaprubahan nitong House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill.
Ito ang ibinahagi ni Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing author ng panukala.
Aniya, batay sa abiso ng Office of the House Secretary General, June 10 nang i-transmit ng Kamara ang inaprubahang House Bill sa Sebado.
Kasunod ito ng liham ni Lagman kay Sec. Gen. Reginald Velasco na agad nang ipadala sa Senado ang inaprubahang panukala.
Ibig sabihin ani Lagman, hindi na makukuwestyon ang naging resulta ng nominal voting nang pagtibayin ang ito noong May 22.
Sa nauna kasing pahayag ni Velasco, kailangan muna maitama ang bilang ng boto ng divorce bill.
Matatandaan na nang pag botohan ito ay inanunsyo na may 126 na boto pabor sa Divorce Bill ngunit kinaumagahan ay itinama ito sa bilang na 131 affirmative votes.| ulat ni Kathleen Forbes