Patuloy na pagprotekta sa Kalayaan ng Pilipinas, giniit ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na taon ng Kalayaan ng Pilipinas, pinunto ni Senador Joel Villanueva ang mas umiigting na hamon at panawagan sa bawat Pilipino na protektahan at ipagtanggol ang Kalayaan ng Pilipinas.

Aniya, sa gitna ng pambu-bully at mga hakbang ng China para makamkam ang ating mga teritoryo sa West Philippine Sea dapat ay tularan natin ang ipinamalas ng ating mga ninuno at manindigan para sa ating kasarinlan.

Sinabi ni Villanueva na ang patuloy na pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino para sa Pilipinas ang pinaghihigutan ng inspirasyon at lakas para ipaglaban, hindi lang ang ating maritime entitlement, kundi ang kalayaan natin mula sa iba’t ibang hamon ng buhay gaya ng Kalayaan mula sa gutom, kahirapan at kawalan ng pag-asa.

Ganito rin ang deklarasyon ni Senadora Grace Poe ngayong Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Poe, walang tunay na pag unlad na makakamtan ang ating bansa kung hindi nating proprotektahan at ipagtatanggol ang karapatan at dignidad natin bilang isang bansa.

Ginawa na aniya ng ating mga bayani ang kanilang tungkulin para sa mga Pilipino, kaya panahon na aniya natin para ipagpatuloy ang pagtatanggol sa bansa para manatiling malaya.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us