Nasa 12 mga aplikante ang hired on-the-spot sa ginanap na Araw ng Kalayaan Job Fair sa isang mall sa Lungsod ng Marikina.
Ito bilang pagkikiisa ng Marikina LGU sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Layon ng naturang job fair na bigyan ng oportunidad ang mga residente ng lungsod na makahanap ng magandang trabaho.
Nasa 47 na mga kumpanya ang lumahok sa job fair, kabilang ang mga BPO, bangko, hotel, kumpanya ng transportasyon, food chains, grocery chains, telecommunications companies, construction firms, health facilities, at overseas recruitment agencies.
Ayon kay Marikina City 1st District Rep. Maan Teodoro, nauunawaan niya ang pangangailangan ng mga bagong empleyado para sa kanilang mga requirement sa trabaho kaya nagpasya siyang magbigay ng kaunting tulong pinansyal.
Kabilang sa nakatanggap ng tig-P2,000 ang unang limang aplikante na na-hired on-the-spot.
Baty sa pinakahuling datos, mahigit 600 jobseekers ang nagparehistro sa Araw ng Kalayaan Job Fair sa Marikina.| ulat ni Diane Lear