Nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga Pilipino na patuloy na mag-ambag para sa tunay na kalayaan ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sinabi ni Mayor Sotto na malayo na ang narating ng Pilipinas, pero marami pa tayong pagbabago na gustong makita.
Gaya na lamang aniya ng kalayaan mula sa dayuhang mananakop. Kalayaan mula sa korapsyon. Kalayaan mula sa katiwalian, at kalayaan mula sa kahirapan.
Hinikayat ng alkalde ang bawat Pilipino, anuman ang kanilang posisyon o estado sa buhay, na magtulungan para sa ikabubuti ng bayan.
Kaninang umaga, pinangunahan ni Mayor Sotto ang wreath -laying ceremony sa Plaza Rizal kasama ang ilang opisyal ng lungsod bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.| ulat ni Diane Lear