Binigyan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng provisional authority ang Meralco upang makakuha ng suplay ng kuryente mula sa Ilijan Natural Gas Plant ng South Premier Power Corporation (SPPC).
Ayon sa ERC, ang desisyong ito ay nagbibigay-daan sa Meralco na bumili ng 910 megawatts ng kuryente sa presyong P5 per kilowatt hour base rate, na siyang napagkasunduan ng dalawang kumpanya.
Ang kasunduang ito ay inaasahang magbibigay ng seguridad sa mga konsyumer ng Meralco laban sa posibleng pagtaas ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sa pamamagitan ng provisional authority, maipatutupad na ang kasunduan ng Meralco at SPPC, na magbibigay ng mas matatag at maaasahang suplay ng kuryente sa mga konsyumer.| ulat ni Diane Lear