Kinilala ni Senador Robin Padilla ang mga reservists ng Senado kasabay ng kanilang panunumpa sa watawat ng Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nagsagawa ng flag raising ceremony sa senado kanina kasabay ng oath taking ng 48 na empleyado ng Senado na grumadweyt ng Basic Citizens Military Course (BCMC).
Ang mga empleyadong ito ay bahagi na ng AFP reserve command partikular na ng Philippine Navy.
Sa kanyang naging mensahe, pinunto ng senador na itinuturing niyang inspirasyon ang mga sundalo dahil handa nilang tanggapin ang anumang hamon para sa pagmamahal sa bayan
Kasabay nito, muling giniit ni Padilla na ang isinusulong niyang Basic Civilian Military Course (BCMC) at Reserve Officers Training Corps (ROTC) training ay hindi para sa giyera kundi paghahanda para sa pagsilbi sa bayan.| ulat ni Nimfa Asuncion