Panukalang i-ban ang paggamit ng smartphones, iba pang gadget sa mga paaralan, suportado ni VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang panukalang “ban” sa paggamit ng mga smartphone gayundin ng iba pang gadget ng mga mag-aaral at guro sa oras ng klase.

Ito’y kasunod na rin ng inihaing Senate Bill 2706 ni Senador Sherwin Gatchalian o Electronic Gadget Free Schools Act.

Sa ilalim ng panukala, pagbabawalan ang mga guro at mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School na gumamit ng gadget sa loob ng paaralan sa oras ng klase.

Sa ambush interview kay VP Sara sa Davao City, sinabi ng Pangalawang Pangulo na payag sa panukala, subalit dapat mayroon itong exemption.

Giit niya, dapat limitado lamang ang paggamit ng mga gadget lalo na kung ito ay may kinalaman sa klase gaya ng teaching at learning materials.

Una nang inihayag ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang kanilang pagtutol sa panukala sa halip ay dapat i-regulate lamang ang paggamit nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us