Nanindigan ang pamahalaan na igiit ang naging panalo ng Pilipinas sa inihain nitong kaso laban sa China sa International Arbitral Tribunal noong 2016.
Ito ang inihayag ng National Security Council (NSC) kasunod na rin ng muling pagtitiyak ng pangako nito na bantayan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, nananatiling prayoridad ng pamahalaan na ipaglaban ang karapatan ng bansa sa naturang karagatan na kinilala ng International Community.
Kasunod nito, sinabi ni Año na maliban sa panloob na banta ay patuloy din ang kanilang pagsisikap na matugunan ang panlabas na banta.
Ginawa ng kalihim ang pahayag, kasunod na rin ng tumitinding pandaigdigang hamon na kinahaharap ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala