Mga kawani ng Batanes LGU, makikinabang na sa KaSSSangga Program ng SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng Social Security System sa programa nitong KaSSSangga Collect Program na layong bigyan ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service.

Maging ang pamahalaang panlalawigan ng Batanes, nakipagtulungan na rin sa SSS kasunod ng paglagda nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at Batanes Governor Marilou Cayco sa isang Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Program.

Sa ilalim nito, magiging miyembro na ng SSS ang mga job order at contractual employees ng pamahalaang panlalawigan. Katumbas ito ng pagiging kwalipikado na rin ng mga naturang kawani sa mga benepisyo at loan programs ng SSS.

Ayon sa SSS, nasa 2,000 JO workers ng Provincial Government of Batanes ang makikinabang sa naturang programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us