Negosyante na si Manny Villar, pinag-iingat ang publiko sa kumakalat na Deepfake gamit ang kanyang boses sa isang investment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ni dating Senate President Manny Villar ang publiko sa kumakalat na investment scam gamit ang Deepfake.

Ayon sa negosyante, may mga nakarating sa kanya na mayroong mga nanghihikayat ng isang investment kung saan ginagamit ang kanyang larawan at boses.

Sa isang press statement, sinabi ng dating senador na hindi totoo na mayroon siyang bagong negosyo kung saan kailangan magbigay ng pera ang mga investor na may kapalit na malaking kita.

Sa panahon daw na ito, walang madaling pera o negosyo ang maaaring magbigay agad ng malaking kita.

Payo nya, kailangan ang sipag at tiyaga para mapalago ang perang puhunan.

Umaapela siya sa sinumang naalukan ng naturang investment na agad mag-report sa kinauukulan upang mahuli ang ganitong mga manloloko.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us