Inirekomenda na ni Chairman George Erwin Garcia sa En Banc ng Commission on Election para bumuo ng isang komite na tututok sa mga campaign materials at basura sa panahon ng kampanya.
Sa kanyang liham sa En Banc, nais nito na aprubahan ang kanyang panukala na Committee on Environmentally Sustainable.
Saklaw ng bubuuing komite ang paggawa ng mga guidelines pa tungkol sa tamang paggamit ng mga campaign paraphernalias at mga iniiwang basura pagkatapos ng mga sorties at meeting de avanci.
Sabi ng Comelec Chairman, nagiging kaugalian na ng mga kandidato at political parties ang mag-iiwan ng bundok ng basura pagkatapos ng kampanya at eleksyon.
Bukod dito, ipinapanukala rin niya na isama sa General Fair Election Act na magsumite ng mga litrato ng mga kandidato na gagamitin sa kanilang mga posters, anim na buwan bago ang halalan.
Ang sinumang hindi susunod dito ay idedeklara ng Comelec bilang isang uri ng illegal campaign. | ulat ni Michael Rogas